WebClick Tracer

‘Skypodcast’ nina Slater Young, Kryz Uy tinanghal na Top Podcast ng Spotify PH

Ang Skypodcast ng mag-asawang sina Kryz Uy at Slater Young ang tinanghal na Top Podcast of the Year ng Spotify Philippines.

Mayroon na silang 354.2K fans sa Skypodcast.

Sa Instagram post, masayang inihayag ng dalawa ang good news sa kanilang fans.

“And the @skypodcast is the TOP PODCAST OF THE YEAR!!! Thank you so much #skyfam! What an honor to connect and share stories with you all!!! Saging Fam forever!!! @spotifyph,” saad ng mag-asawa.

Matatandaang naging kontrobersiyal nitong Mayo ang podcast nina Slater at Kryz dahil sa naging pahayag ng una na “normal” lang ang pagpapantasya ng mga lalaki sa ibang bebot kahit may karelasyon na sila.

Nag-sorry na si Slater ukol dito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on