WebClick Tracer

Sharon pinuri breakup post ni Kathryn

Saludo si Sharon Cuneta kung paanong hinandle ni Kathryn Bernardo ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla sa pamamagitan ng Instagram post.

Anang Megastar, nakaka-relate siya sa sakit na pinagdadaanan ngayon ni Kathryn dahil katulad ng aktres ay nagmahal din siya ng sobra pero nauwi sa hiwalayan ang relasyon niya.

“Reading this brought me back to ‘that time’ in my life. Actually, ‘those times’ because I had to endure my personal pain and face public scrutiny for more than once, and I am not even sure if I will ever have to go through all that again…” saad ni Sharon sa IG post.

“I am crying for you because I too have loved as much as you both did. I am hugging you tight and praying for you, Deej, and the Kathniel fandom… I am so proud of how you have handled this whole situation with this one post. That’s our girl. I love you. This too, shall pass,” dagdag pa niya.

Naging magkatrabaho sina Sharon at Kathryn sa 2018 film na “Three Words to Forever” kung saan gumanap silang mag-ina.

Nitong November 30, 2023 winindang ni Kathryn ang social media nang kumpirmahin niyang hiwalay na sila ni Daniel matapos ang isang dekadang relasyon. (IS)

https://www.instagram.com/bernardokath/

TELETABLOID

Follow Abante News on