WebClick Tracer

Sey ni Lolit Solis: Sana hindi wild si Andrea sa totoong buhay

Naaawa ang showbiz columnist na si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil tumatak na raw rito ang image na pagiging liberated at wild.

“Naawa ako kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyong mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay,” ani Lolit.

Umaasa naman daw si Lolit na sana ay hindi “wild” sa totoong buhay si Andrea.

“Sana nga hindi sa tutoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan,” saad pa niya.

Pero naniniwala naman si Lolit na nakatulong kay Andrea ang mga isyung kinasasangkutan nito.

“Siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay ‘hotness’ sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teeners na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka yummy youngstar sa ngayon. Lahat ng mga controversy tungkol kay Andrea Brillantes parang naging way pa para isipin ng mga teeners na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars. Iba din dating niya, parang young boldstar na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on