WebClick Tracer

‘Sarap sa ears’: SB19, Sandara Park collab inulan ng papuri

Inulan ng papuri ang collaboration ng P-pop group SB19 at ni K-pop star Sandara Park.

Inilabas nitong December 1 ang music video ng team up nina Pablo, Josh, Stell, Ken, Justin and Sandara na “Reset”, na advertisement song ng isang electronics brand.

Kinilig ang mga netizen at bagay na bagay raw ang blending ng mga boses ng SB19 at ni Sandara.

@angelmokoh26: “Eyyy kinikilig akooo ang ganda! Bagay na bagay ang blending ng mga boses! Thankyou Ninang Acer sa pagtupad ng aming usa sa dream Collab sa ating MAHALIMA.”

@zeanaps2602: “Ang galing nyo SB19 and Dara.”

@nikkxxi_: “Ang ganda at ang lambing ng boses ni Dara. Bagay na bagay din sa powerful vocals ng SB19 this song is so good!!!”

@jacquejuanico1231: “Salamat Ninang ACER for this Collaboration! Mga fave in one frame, grabe sarap sa eyes at sa ears!!” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on