WebClick Tracer

Pokwang hindi na papatol sa afam, magpapayaman sa 2024

Inihayag ng comedian na si Pokwang na hindi na siya makikipagrelasyon sa foreigner.

“Hindi,” ang tugon ni Pokwang nang tanungin ni Boy Abunda kung gusto pa niya ng foreigner boyfriend.

Dagdag pa niya, magpopokus siya sa pagpapayaman sa susunod na taon at isasantabi muna ang kanyang love life.

“Mga 2024, magpo-focus ako sa negosyo. Magpapayaman ako. ‘Yon muna. Tapos ‘yung mga anak ko, oras para sa mga bata,” wika niya.

Matatandaang kamakailan ay nag-file si Pokwang ng deportation at visa cancellation laban sa ex niyang American actor na si Lee O’Brian. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on