WebClick Tracer

PCG: Mahigit 135 Chinese vessel namataan sa Julian Felipe Reef sa WPS

Mahigit 135 Chinese maritime militia (CMM) vessel ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Sa pahayag na inilabas nitong Linggo, sinabi ng PCG na dumami ito mula sa 111 Chinese vessel na naispatan noong Nobyembre 13, 2023.

Inilarawan ng PCG ang lumalaking presensya ng mga sasakyang pandagat ng China sa bahura bilang isang “alarming development”.

Ito’y matapos nilang mag-deploy ng dalawang sasakyang pandagat para magsagawa ng pagpapatrulya sa bisinidad ng Julian Felipe Reef.

“No response was made to the radio challenges issued by the PCG to the CMM vessels,” pahayag ng PCG.

Ang Julian Felipe Reef ay matatagpuan sa kanluran ng bayan ng Bataraza sa Palawan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on