WebClick Tracer

Kahit hiwalay na: KathNiel laban pa rin sa Best Loveteam of the Year

Laban na laban pa rin ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel para sa Best Loveteam of the Year kahit hiwalay na sila.

Parte pa rin kasi sila sa nominated para sa naturang awards ng isang online website.

Ito’y sa kabila ng nabuwag na tambalan ng dalawa dulot ng break-up nila.

Binati naman sila ng Star Magic na parehong talent agency ng dalawa sa pagiging nominado ng tambalan ng mga ito.

“Your Star Magic family is rooting for your win!” caption ng Star Magic sa kanilang Facebook post.

Umani naman ang post ng maraming sad reactions mula sa mga netizens at ang iba ay napa-comment pa.

“Huling award na magka tambal sila… Congratulations pa rin.” ani ng isang KathNiel fan.

“They are now literally just love team in front of cameras #KathNiel #chapterclosed” malungkot na comment ng isa. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on