WebClick Tracer

John Lloyd nagpatutsada sa speech: ‘Mas mabilis pa ring pumatay sa bansang ito’

Viral ang acceptance speech ni John Lloyd Cruz matapos niyang magwagi bilang Best Actor sa 2023 Gawad Urian Awards kamakailan para sa pelikulang “Kapag Wala Nang Mga Alon”.

Ito’y matapos niyang banggitin ang umano’y talamak na patayan sa bansa.

“Salamat po sa lahat ng mga manggagawa sa Pelikulang Pilipino na walang pagod na lumalaban para ikuwento ang mga kuwentong dapat lumabas lalo na po sa panahon na ‘to,” anang aktor.

“Tapos na ho ba ‘yung dalawang minuto ko? Ang bilis ho… pero mas mabilis pa rin hong pumatay sa bansang ito,” dagdag pa niya.

Sa kanyang speech, pinasalamatan din ng aktor ang kanyang pamilya, ang anak na si Elias at girlfriend na si Isabel Santos.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on