WebClick Tracer

Habang may misa: Mindanao State U binomba, 3 todas

Pinasabog ang Dimaporo Gymnasium sa loob ng Mindanao State University nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa report, bandang alas-7:30 ng umaga naganap ang pagsabog kung saan nagtungo ang mga estudyante at faculty member para magmisa.

Dahil sa pagsabog, tatlo ang naiulat na nasawi, habang pito naman ang sugatan.

Nagdeklara na rin ng blue code sa regional hospital sa Marawi dahil sa nangyaring pangbobomba sa Mindanao State University.

Tinitingnan pa ng pulisya kung anong klaseng pampasabog ang ginamit sa unibersidad. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on