WebClick Tracer

Francine Diaz tatapusin ang pag-aaral, kakaririn ang business management

Pursigido ang young actress na si Francine Diaz na tapusin ang pag-aaral kahit abala siya sa kanyang showbiz career.

Ani Francine, next year ay target niyang maka-graduate sa senior high school.

Dagdag pa niya, sa kolehiyo naman ay gusto niyang mag-aral ng kursong business management.

“Importante din talaga sa akin na maka-graduate ako. Bukod sa gusto ko maging successful sa entertainment industry of course gusto ko din maging successful ‘yung personal life,” lahad niya sa isang panayam.

“Ang gusto ko po mag-business management. ‘Yun po talaga isa sa mga priority ko. I believe dapat meron akong fallback kasi hindi ko alam, huwag naman sana ‘pag dumating ‘yung panahon na hindi na ako ‘yung tinitingala or maingay meron akong buhay outside showbiz,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on