WebClick Tracer

DBM secretary nakiramay sa mga biktima ng Marawi bombing

DBM

Nagpaabot ng pakikiramay si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa pamilya ng mga biktima ng pagsabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU).

Si Pangandaman ay isang Muslim at ang insidente aniya ay isang trahedya na kailangang maaksiyunan agad sa pamamagitan ng whole-of-government approach upang maibalik ang kapayapaan at matiyak ang seguridad sa Mindanao region.

“This is an unsettling tragedy that breaks my heart as a daughter of Mindanao and or Marawi itself. My heart goes out as well to MSU, which not only stands for peace unity, and deep respect for human life, but it is also home to our Mindanaoan youth,” ani Pangandaman.

Bilang Co-Chairman ng Intergovernmental Relations Body, sinabi ni Pangandaman na malaking dagok ang pambobomba sa pinagsisikapan nilang maitatag na pangmatagalang kapayapaan para sa pag-unlad at kasaganaan sa Mindanao.

Tiniyak ni Pangandaman na mas paiigtingin pa ang trabaho sa mga kapwa opisyal ng gobyerno mula sa nasyonal at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para manumbalik ang hinahangad na kapayapaan at seguridad sa Mindanao. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on