WebClick Tracer

Counter-terrorism measures pinatututukan sa BARMM

Pinatututukan ng isang mambabatas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang paglalatag ng counter-terrorism measures matapos ang naganap na pambobomba sa Mindanao State University (MSU).

Ayon kay House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan mahalaga na matiyak na hindi na mauulit ang pambobomba.

“This cowardly attack should not go unpunished. No effort should be spared to bring the culprits to swift justice,” sabi ni Libanan. “The full force of the law must be brought to bear on these terrorists who are bent on sowing fear among the public and creating mayhem.”

“We are also counting on the regional government and the regional police of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao to step up their counter-terrorism measures and responses,” dagdag pa ni Libanan.

Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa pambobomba sa isang misa sa gymnasium ng MSU linggo ng umga.

“Our hearts go out to the families of the victims,” dagdag pa ni Libanan ba nagf-alay ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.

Si Libanan ang may-akda ng Human Security Act of 2007, ang unang anti-terrorism law ng bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on