WebClick Tracer

Cong. Paolo Duterte kinilala sa ambag para sa sustainable development

Pinarangalan si Davao City Rep. Paolo Duterte ng Nation Builders and Mosliv Awards dahil sa kanyang natatanging dedikasyon na mapabuti ang kalagayan ng bansa.

Si Duterte ay kinilala bilang Honorary Congressman of the Year sa katatapos na Nation Builders and Mosliv Awards rites na inorganisa ng Sustainable Standards Inc. (SSI).

Ang naturang award ay ibinibigay upang kilalanin ang mga indidbiwal na nakapagbigay ng hindi matatawarang kontribusyon sa bansa.

Nagpasalamat naman si Duterte sa award-giving body at nangako na patuloy na isusulong ang green initiative sa Davao City.

“Our commitment to sustainable development does not end with filing bills in Congress, but continues by implementing actionable programs that will help end poverty, spur economic growth and make our people resilient to the devastating effects of climate change at the local government level,” sabi ni Duterte.

“Thank you to people behind the Nation Builders and Mosliv Awards for recognizing our modest efforts to contribute to sustainable development. Daghang salamat,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang Honorary Congressman of the Year (green category) ay iginawad kay Duterte dahil sa pagsusulong nito na maabot ang United Nations Sustainable Development Goals (SDGs) na maging global climate-neutral ang ating lipunan sa 2050.

Maraming inihaing panukala si Duterte para matugunan ang hamon ng climate change gaya ng pagbawas sa paggamit ng single-use plastic, pangangalaga sa heritage trees at pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

Bukod sa pagtatrabaho sa Kamara de Representantes, abala rin si Duterte sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa nito sa Davao City gaya ng pangangalaga sa kapakanan ng mga senior citizen at persons with disabilities. (Billy Begas)