WebClick Tracer

2 magsasaka nagduwelo sa itak, parehong todas

Kapwa patay ang dalawang magsasaka matapos na ang mga ito ay magduwelo sa itak sa sa Francisco, Quezon nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina George Hipgano at Leonido Tahup parehong residente ng nasabing lugar na ayon sa mga awtoridd ay may matagal ng alitan dahil sa usapin sa lupang kanilang sinasaka.

Ayon sa report ng pulisya, aksidente nagkita ang dalawa sa bulubundukin lugar sa Barangay Silongin habang nagpapastol ng kanilang mga alagang kalabaw.

Doon na nagtagaan ang dalawa na aapwa wala ng buhay ng matagpuan.

Bago pa man nangyari ang insidente, pinagbataan na umano ni Tahup si Hipgano na papatayin niya ito kapag sila ay nagkita.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung wlang ibang sangkot sa insidente.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID

Follow Abante News on