WebClick Tracer

Zach LaVine absent ng isang linggo

Inanunsyo ng Chicago Bulls na mawawala ng isang linggo si Zach LaVine dahil sa injury.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium, ang pagkawala ni LaVine ay dahil sa “right foot soreness”.

“Bulls guard Zach LaVine will be sidelined for one week with right foot soreness, team says.”

Sa kaniyang 21.0 puntos bawat laro, si LaVine ay pangalawa sa koponan sa pag-iskor kasabay ni DeMar DeRozan.

Bagama’t hindi siya nakapasok sa All-Star noong nakaraang season, nag-average naman ito ng 24.8 puntos.

Inaasahan na wala si LaVine laban sa New Orleans Pelicans sa Biyernes at sa Charlotte Hornets sa Miyerkoles at posibleng wala rin ito laban sa San Antonio Spurs. (CS)

SEE RELATED STORY HERE:

Zach LaVine engaged na!

TELETABLOID

Follow Abante News on