WebClick Tracer

Nagpaalam ba sa TVJ? Rochelle umindak sa ‘Eat Bulaga’

Ibang bihis na ‘Eat Bulaga’ na ang nabalikan ni Rochelle Pangilinan dahil wala na doon ang mga dati niyang nakasama tulad ng iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Hurado si Rochelle sa isang segment ng ‘Eat Bulaga’, kung saan sinabi niya na nagpalipas muna siya ng ilang buwan bago pumayag na makasama sa noontime show.

“Bilang pagtanaw ng respeto sa Eat Bulaga, TVJ at original Dabarkads, pitong buwan ang pinalipas ko bago pa man ako nangahas makapasok man lang sa bagong Eat Bulaga,” ayon kay Rochelle.

Aminado si Rochelle na may takot at pag-aalinlangan siyang naramdaman tungkol sa pagbalik sa ‘Eat Bulaga’ dahil naging magulo ang issue sa pagitan ng producer nito na TAPE Inc, at ng mga dating host kasama ang TVJ.

Ayon naman kay Rochelle nagpaalam naman siya sa mga original host at management ng longest running noontime show bago pumayag na makasama sa ‘EB’.

“Nagpasintabi po ako sa original Eat Bulaga hosts and management bago ako umabot sa puntong ito,” paglilinaw ni Rochelle. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on