WebClick Tracer

MPBL National Champion! Pampanga Giant Lanterns winalis Bacoor City Strikers

TULUYANG itinala ng Pampanga Giant Lanterns ang kasaysayan bilang unang koponan na nakawalis ng kampeonato sa pagbigo nito sa Bacoor City Strikers, 82-75, upang iuwi and pinakauna nitong National Finals title sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagdayo sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite, Sabado ng gabi.

Ilang beses na umahon ang Giant Lanterns sa pitong puntos na pagkakaiwan upang tuluyan nitong gibain ang Strikers sa pagwawalis sa best-of-five titular showdown, 3-0.

Binitbit in Encho Serrano sa kanyang 24 puntos, 2 rebounds, 4 assists at 1 steal ang Pampanga habang tumulong si Kurt Reyson na may 13 puntos, 6 rebounds, 6 assists at 2 steals.

Nag-ambag naman si Justin Balthazar ng 11 puntos, 18 rebounds, 5 assists, 3 steals at 1 block.

Ibinuhos ng Pampanga ang walong sunod na puntos sa huling dalawang minuto matapos maghabol sa 64-65 upang kumpletuhin ang pagtatala ng bagong kasaysayan sa liga.

Wala pang koponan ang nakagawa sa nakalipas na apat na kampeonato ng liga na naisagawa ng Pampanga. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on