WebClick Tracer

Fans ng Ginebra mag-ingay! ‘Tinyente’ LA Tenorio babalik na sa court

Mga laro ngayong Linggo:
(PhilSports Arena)
3:00pm – Meralco vs NLEX
6:15 pm – Ginebra vs Dyip

GOOD news sa fans ng Ginebra, lalaro na si LA Tenorio sa PBA Commissioner’s Cup ngayong araw sa second game sa PhilSports Arena.

March pa nagarahe ang veteran playmaker nang ma-diagnose na may stage 3 colon cancer. Noong September, kinumpira ni LA na cancer free na siya.

“Yes,” tugon ni Tenorio nang tanungin kung tuloy na ang conference debut.

Naging PBA Iron Man si LA nang magtuhog ng 744 straight games bago naputol nang magka-cancer.
Natapos ang streak, may bagong hahabuling record ang 39-year-old Batangueno.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ang record sa 3-pointers made naman ang tatargetin ni LA – 39 away na lang siya sa No. 2 sa listahan na si Allan Caidic (1,242) at 47 kay No. 1 Jimmy Alapag (1,250).

Sa 16 seasons, nag-average siya ng 75 made 3s sa isang taon. Pinakamababa niya ang 38 noong 2020 Clark bubble pero one-conference season lang ‘yun dahil sa pandemic.

Kung hindi ibibilang ang bubble, pinakamababa ni Tenorio ang 47 sa stints niya sa San Miguel/Magnolia Beverage Masters at Alaska noong 2008.

Sa Commissioner’s Cup, 3-1 ang Gins na galing sa dalawang sunod na panalo. Misyon naman ng Dyip na kalsuhan ang back-to-back losses na pumigil sa kanila sa 2-3. (Vladi Eduarte)

SEE RELATED STORY HERE:

LA Tenorio magaling na sa cancer

TELETABLOID

Follow Abante News on