WebClick Tracer

Aktres todo sorry! Yassi pina-Tulfo ng Grab driver

Dumulog sa programa ni Senador Raffy Tulfo ang isang Grab driver na nabangga ng driver ng aktres na si Yassi Pressman.

Sa ‘Wanted sa Radyo’, sinabi ni Raymart Guinto na ilang beses na siya kumokontak sa driver ni Yassi ngunit hindi na ito sumasagot.

Ayon sa driver, nangako sa kanya ang aktres na tutulungan siya ngunit 11 araw na raw ang nakalipas at hindi pa siya nakakabiyahe dahil pa napapaayos ang kanyang sasakyan.

Agad namang kumontak si Yassi sa programa at humingi ng sorry sa driver.

Paliwanag ni Yassi, tanggal na raw kasi ang kanyang driver na naka-trial lang sa kanya at hindi naman daw sa kanya pinaalam ang tungkol sa problema.

“Pasensya ka na, tanggal na sa trabaho ‘yung kausap mo. Hindi ko naman po alam,” mensahe ni Yassi sa Grab driver.

“Syempre ko-cover po namin ‘yan, wala po kasi ako sa sasakyan nung nangyari ‘yun ‘di ba,” wika pa ng aktres.

Saad pa ni Yassi, gagawin na raw niyang P100,000 ang ibibigay sa driver para makatulong rin sa mga araw na hindi ito nakabiyahe.

Nagpasalamat din si Yassi kay Sen. Tulfo dahil napaalam sa kanya ang naturang problema ng driver. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on