WebClick Tracer

Rep. Duterte itinulak agarang pagpasa ng panukala para sa libreng freight service ng relief goods

Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang agarang pagpasa ng isang panukala upang maging libre ang freight service para sa mga emergency relief goods na ipadadala sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Sinabi ni Duterte na ang panukalang Relief Goods Free Transportation Act (House Bill 4809) ay magpapabilis sa relief delivery system ng bansa at titiyak na ito ay mura, maaasahan, mabilis, at ligtas.

“The Philippines being an archipelago means that we have to rely on freight companies and other logistics carriers to collect and deliver relief goods at the soonest possible time to calamity-hit areas. Providing free freight services to deliver these goods will contribute to setting up a mechanism that would ensure that the government can quickly respond to the needs of disaster-hit communities,” sabi ni Duterte.

Ginawa ni Duterte ang panawagan matapos yanigin ng magnitude 6.8 lindol ang malaking bahagi ng Mindanao noong Nobyembre 17 at ang malawakang pagbaha sa Eastern Visayas makalipas ang tatlong araw.

Kasama ni Duterte bilang may-akda ng HB 4809 sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party-list Rep. Edvic Yap. Ang panukala ay nakabinbin sa House Committee on Disaster Resilience.

Sa ialim ng HB 4809, ang Logistics Cluster ng Office of Civil Defense (OCD) sa tulong ng Philippine Postal Corp., mga freight company at iba pang logistics firms ay aatasan na magdala ng relief goods na ipadadala ng mga rehistradong relief organization sa mga lugar kung saan idineklara ng Pangulo o lokal na pamahalaan ang state of calamity.

Sa mga lugar na hindi maaaring mapuntahan ng freight service, ang relief goods at kanilang dadalhin sa pinakamalapit na lokal na pamahalaan.

Ang Law and Order Cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) naman ang inaatasan ng panukala na tiyakin ang seguridad ng ipadadalang tulong. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Panukalang scholarship ni Rep Duterte para sa mga gustong mag-abugado tinukuran

TELETABLOID

Follow Abante News on