WebClick Tracer

LeBron James excited na mapanood maglaro si Bronny

Super excited na si LeBron James na masilayan ang kaniyang anak na si Bronny na maglaro para sa University of Southern California (USC).

“LeBron on Bronny James’ impending return to college basketball: “It’s exciting. I’m looking forward to his first game. … I already told my [Lakers] teammates that if they’re playing on the same day we’re playing then I’m going to catch them the next game. Family over everything” saad sa tweet ni Dave McMenamin ng ESPN.

Kamakailan lang ay pinayagan na si Bronny na bumalik sa basketball court. Matatandaang noong Hulyo ay sinugod sa ospital si Bronny matapos nitong magkaroon ng cardiac arrest habang nasa court.

Inaasahan din na sasali na sa practice ng USC si Bronny at makakapaglaro na rin ito sa kanilang mga laban. (CS)

See Related Story Here:

LeBron James may 39,000 career points na

TELETABLOID

Follow Abante News on