WebClick Tracer

‘Christmas came early’: Maja Salvador buntis na!

Masayang isinapubliko ni Maja Salvador ang tungkol sa pagbubuntis niya.

“Christmas came early,” sey ni Maja habang hawak ang kanyang baby bump sa Instagram post nitong December 1.

“Our growing family,” dagdag pa niya.

Sey naman ng asawa niyang si Rambo Nuñez: “The best Christmas present we could ever ask for.”

Unang ikinasal sina Maja at Rambo sa isang civil wedding sa Pilipinas. Muli silang nagpakasal sa Bali, Indonesia.

Ani Maja, nangyari ang kanilang civil wedding noong February 14, 2023 sa Bonifacio Global City.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on