WebClick Tracer

Bronny James puwede na uli maglaro ng basketball

Pinayagan na si Bronny James na bumalik sa basketball court.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium, puwede na uling bumalik sa paglalaro ng basketball ang anak ni LeBron.

“After recovering from a cardiac arrest in late July, USC freshman Bronny James has been cleared to make a full return to basketball.”

Inaasahan din na sasali na sa practice ng University of Southern California (USC) si Bronny at makakapaglaro na rin ito sa kanilang mga laban.

“He will resume practice next week for Trojans and return to games soon after.”

Matatandaang noong Hulyo ay sinugod sa ospital si Bronny matapos nitong magkaroon ng cardiac arrest habang nasa court. (CS)

See Related Story Here:

Bronny James abangers sa resulta ng medical examination para makapaglaro

TELETABLOID

Follow Abante News on