WebClick Tracer

Mark Villar sa DTI: Bantayan presyo ng mga Noche Buena item

Nanawagan si Senador Mark Villar, chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, sa Department of Trade Industry (DTI) na tutukang mabuti ang presyo ng mga produktong pang-Noche Buena ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

“Ngayong malapit na po ang kapaskuhan, kailangan na mas mahigpit ang ating monitoring ng mga presyo ng produkto upang masigurado na magiging masaya ang pasko ng ating kapwa Pilipino,” sabi ni Villar.

Ginawa ang pahayag matapos magsagawa ng inspeksyon si Villar, Trade Secretary Alfredo Pascual at iba pang opisyal ng DTI sa mga produktong madalas na inihahanda tuwing noche buena.

Ilan sa mga ininspeksyon ay ang presyo ng pasta packages, spaghetti at tomato sauce, sandwich spreads at canned goods at iba pa. Sinuri rin ang nasabing mga produkto ay sumusunod sa 2023 Price Guide for Noche Buena products na inilabas ng Consumer Policy and Advocacy Bureau (CPAB) kamakailan.

“Patuloy po tayong nakatutok sa mga presyo ng bilihin ngayong kapaskuhan. Atin pong sisiguraduhin na sumusunod ang ating mga sellers sa price guide ng DTI,” saad ni Villar.

Binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng regular na price monitoring activities para sa proteksyon ng mga mamimili, na bahagi ng pagsunod sa Price Act.

“We are very festive people. Ang taunang selebrasyon ng Noche Buena is a fixture in the Filipino Christmas. Ito pong ating price monitoring activity ay isinasagawa natin sa tulong ng DTI upang mabigyang proteksyon ang ating mga consumers at upang masigurado na makakapag-celebrate ng maligayang pasko ang ating mga kababayan,” diin ni Villar. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Mark Villar: Bantayan presyo ng mga bilihin ngayong Undas

TELETABLOID

Follow Abante News on