WebClick Tracer

Anj Legacion, PLDT sinagasaan F2

STANDING

TEAM W L

x-Creamline 10 0

x-Choco Mucho 9 1

Chery Tiggo 8 2

Cignal 7 3

PLDT Fibr Home 6 4

Petro Gazz 6 4

Akari 5 6

y-F2 Logistics 4 7

y-Nxled 3 7

y-Farm Fresh 2 8

y-Galeries Tower 1 9

y-QC GerFlor 0 10

x – semifinalists

y – out sa semis

Mga laro sa Sabado

(Iloilo)

4 pm – Nxled vs Farm Fresh

6 pm – Chery Tiggo vs Choco Mucho

Umiskor ng apat na puntos sa likod ng 3 attacks, 1 block rekado sa 18 excellent sets si Angelica ‘Anj’ Legacion nang walisin ng PLDT Home Fibr ang F2 Logistics, 25-21, 27-25, 25-23, sa 6th Premier Volleyball League 2023 2nd All-Filipino Conference eliminations Huwebes ng gabi sa PhilSports Arena, Pasig.

Buhay pa ang katiting na tsansa ng High Speed Hitters na inakbayan sa panglimang puwesto ang bakanteng Petro Gazz sa 6-4 win-loss slate samantalang sinalya ang Crossovers sa 4-7 na nabaon sa ikawalo.

Pero nakasalalay ang kapalaran ng PLDT at Angels sa magiging resulta pa sa huling sabak ng nasa pang-apat na Cignal (7-3) kontra sa nasa ika-12 o kulelat na Quezon City Gerflor (0-10) sa wakas ng elims sa darating na Martes.

Namayagpag sa opensa ng Hitters si Savannah Dawn ‘Savi’ Davison na may 22 markers habang sumukli ng 11 si Dell Palomata sa pagtuldok ng kampo sa tatlong kamalasan sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

We’re happy (manalo) coming off a loss to Choco Mucho plus our key members who were injured,” suma ni PLDT coach Rald Ricafort. “So, nag step-up ‘yung iba, like Ange (Legacion) and Jules (Samonte). Kailangan talaga na matapos namin ang conference na maayos.”

Pinapadrinuhan ang torneo ng Mikasa, BingoPlus, ArenaPlus, Smart, Rebisco, Milcu, Kumu, Asics at SportRadar. Ipinapalabas ang mga laro sa Pilipinas Live, PVL.ph, One Sports, One Sports+ at Smart Livestream app.

(Ramil Cruz)

TELETABLOID

Follow Abante News on