WebClick Tracer

Joshua Garcia, Julia Barretto may reunion movie

Magkakaroon ng comeback film under Star Cinema ang dating magkasintahan na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ayon sa ulat, ididirek ni Cathy Garcia-Sampana ang reunion movie ng JoshLia na wala pang title.

Unang pelikula na pinagsamahan nila ang “Vince and Kath and James”.

Ilan pa sa pinagbidahan nila ang “Love You To The Stars and Back”, “Unexpectedly Yours”, “I Love You, Hater” at “Block Z”.

Naghiwalay sila noong 2019 pero nagbalik-tambalan sa music video ng “Paubaya” ni Moira dela Torre noong 2021. (IS)

See Related Story Here:

Joshua Garcia hawig daw si Vice Ganda?

TELETABLOID

Follow Abante News on