WebClick Tracer

Kuh Ledesma nagbigay-pugay sa OPM Music

Malaking tagumpay ang katatapos lang na concert na ‘I Love OPM’ ng tinaguriang ‘Pop Diva’ ng Philippine Music na si Kuh Ledesma.

Ginanap ito noong November 25 sa Music Museum. Kung tagahanga ka ng OPM music ay talaga namang mai-enjoy mo ang palabas lalo pa’t kinanta halos ni Kuh ang kaniyang OPM Greatest Hits. Mula sa kanyang first single na ‘Dito Ba’ hanggang sa finale song niyang ‘Ako ay Pilipino’ na sinasabing ito ang pinakapaborito niya sa awiting ini-record niya.

Ginawa ni Kuh ang concert dahil na rin sa pagmamahal niya sa awiting sariling atin. Buong pagtatanghal ay mga awiting Pilipino ang napanood at narinig kasama ang mga panauhin niyang sina Marco Sison, Mitch Valdes, Mark Carpio, Kathy Mas, ang anak niyang si Isabella at si Janno Gibbs.

Sa totoo lang wala pa rin kupas ang kanyang pag-awit at kung ano ang timbre at tunog ng boses niya noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Tunay na haligi talaga siya ng OPM Music na minamahal niya at mamahalin niya habang siya ay nabubuhay.

“I love OPM, ” hirit ni Kuh habang nasa entablado.

“Napakaromantiko ng Pilipino. Super romantic tayo unless wala kang puso,” pakli pa niya.

Naging madamdamin at punung-puno ng emosyon nang kinanta niya ang isa sa mga kantang nilikha ni Ogie Alcasid na “Ikaw Lamang”. Aniya, ang naturang kanta ay nagsasalaysay ng tunay na nilalaman ng puso.

Siyempre pa, iba pa rin ang pagtanggap ng audience sa mga awiting naging tatak Kuh gaya ng ‘I think Im In Love’, ‘Sinong Baliw’, ‘Till I Met You’, ‘One More Time’, ‘A Long, Long Time Ago’, at marami pang iba.

Aminado ang Pop Diva na walang nagpapatibok ng puso niya ngayon dahil inilagak na niya ang lahat ng buhay niya sa Panginoon. Aktibo siya bilang Born-again Evangelical Christian. (Rodel Fernando)

See Related Story Here:

Kuh Ledesma takot mag-travel dahil namamahay

TELETABLOID

Follow Abante News on