WebClick Tracer

Tricycle driver, tinodas habang nagluluto ng hapunan

Patay ang isang tricycle driver matapos na ito ay pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Catanauan, Quezon nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Jayfe Babao Rocafor, 35-anyos, residente ng Zone 2, Brgy. 10, Catanauan.

Ayon sa report ng Catanauan police, mag-aalas 9:00 ng gabi, nagluluto ng kanilang hapunan ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang dumating ang salarin na sakay ng isang kulay pula at itim na motorsiklo.

Pumasok ito sa bahay at walang kaabog-abog na binaril ang biktima.

Mabilis din itong umalis matapos ang pamamamaril.

Nagtamo ng mga ng tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima at bumulagta na sa kusina.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi nakilala ng suspek na nakasuot lamang shorts, naka jacket ng maong at naka sumbrero.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pagkakakilanlan sa gunman at kung ano ang motibo nito.

RONILO DAGOS

TELETABLOID

Follow Abante News on