WebClick Tracer

Taiwanese national, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Laguna

Patay ang isang Taiwanese national matapos barilin ng riding- in-tandem sa isang restaurant sa San Pablo City, Laguna, nitong Sabado ng umaga, November 25.

Ayon sa ulat ng San Pablo CPS, nakilala ang biktima na si Hsien Chieh Chang, 63 anyos, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas 7:00 ng umaga, ang biktima ay nakatayo sa labas ng recieving area ng You Tofu restaurant sa Brgy. Del Remedio, nang dumating ang dalawang hindi nakilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo.

Lumapit sa biktima at nagpakilalala na sila ay ahente ng isang LPG.

Bigla umanong bumunot ng baril ang rider nito at binaril ang biktima ng malapitan.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Hindi naman nakilala ang mga supek dahil sa mga suot nitong helmet at jacket.

Isinugod naman ang biktima sa San Pablo City District Hospital ngunit idineklara itong dead-on- arrival dahil sa isang tama ng baril sa kanyang kaliwang pisngi.

Patuloy na inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pagpatay at kasalukuyang nagsagawa ng dragnet operation para matunton ang mga suspek.

TELETABLOID

Follow Abante News on