WebClick Tracer

15 sugatan sa van na nahulog sa creek sa Mauban, Quezon

15 magkakapamilya na patungo sa family outing sa Mauban, Quezon ang nasugatan nang mahulog sa creek ang kanilang sinasakyang van nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Mauban police, galing sa Malinao, Pasig City ang magkakamag-anak at mag-a-outing sana sa Cagbalete island sa Mauban nang habang tinatahak ng mga ito ang Mauban-Sampaloc national road sakop ng Brgy. Concepcion ay lumihis ang van sa kabilang lane at tumalon sa mababaw na creek sa gilid ng kalsada dakong alas 7:00 ng umaga.

Tumagilid ito sa kaliwang bahagi.

Nagtamo lamang ng mga minor injuries ang mga sakay kabilang ang apat na menor de edad.

Dinala pa rin ang mga ito sa pagamutan at hindi na rin natuloy sa kanilang outing.

Ayon sa imbestigasyon, dahil madaling araw umalis ang mga ito sa kanilang lugar, saglit na napaidlip umano ang driver ng van na kanilang inarkila lamang kaya ito naaksidente.

Madulas din ang kalsada at maulan sa lugar nang mangyari ang insidente.

Hindi na nagsampa ng demanda ang mga biktima matapos na sagutin ng may-ari ng van ang gastos sa ospital ang ang pag-uwi ng magkakapamilya sa kanilang pinanggalingan.

RONILO DAGOS

TELETABLOID

Follow Abante News on