WebClick Tracer

1 patay, 2 sugatan sa motorsiklong sumalpok sa nakaparadang trak sa Infanta, Quezon

Dead-on-arrival sa ospital ang isang security guard habang sugatan naman ang kanyang mag-ina matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang nakahintong trak sa national road, Barangay Abiawin, Infanta, Quezon Sabado ng gabi, Nobyembre 25.

Sa panayam sa imbestigador na si PCpl Ariane Ticlaen, sinabi nito na bandang alas 10:50 ng gabi ng maganap ang insidente.

Galing ang mag-anak sa isang birthday party pauwi sakay ng motorsiklo at binabagtas ang nasabing lugar nang mabangga ng mga ito ang isang warning signage na plastic barrier ng nasiraang trak sa gitna ng highway.

Subalit dumiretso pa ang motorsiklo at na sumalpok sa likurang bahagi ng trak .

Nagtamo ng mga pinsala ang mag-anak at agad isinugod sa ospital ngunit ideneklarang dead on arrival ang lalaki.

Nasa maayos na namang kondisyon ang misis nitona si Rosalie Prudente Rutaquio, 33 at ang kanilang menor de edad na anak n abatang lalaki.

Ayon pa sa pulisya, madilim ang lugar na pingyarihan ng aksidente at madulas ang kalsada dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Napag-alaman din na walang suot na mga helmet ang mag-anak.

TELETABLOID

Follow Abante News on