WebClick Tracer

Dalawang HVI balik selda, P410k na droga nasamsam

Balik-kulungan ang dalawang high value individual (HVI) drug personality matapos masamsam sa mga ito ang nasa mahigit na P400,000.00 na halaga ng illegal na droga sa drug buy-bust operation sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City nitong Huwebes ng  hapon.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Alyas Adong, 38 taong gulang, residente ng Brgy. 8, Lucena City at Alyas Kevin, 20 taong gulang, residente ng Brgy. Ilayang Iyam,   kapwa natatala bilang mga HVI sa PNP watch list.

Isingawa ng mga tauhan ng Lucena C ity police station kasama ang mga operatiba ng PDEA-4A Quezon, PIB/QPDEU,  Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon at  RIU- Quezon PIT buy-bus dakong alas 2:50 ng hapon kungsaan dumating  ang mga suspek sakay ng Isuzu Crosswind.

Agad na dinakma ang dalawa matapos makipagtransaksyon sa mga police poseur buyer.

Nakumpiska sa dalawa ang mga sachet ng illegal drugs na may timbang na nasa 20.1 grams at tinatayang may street value na P410,000.00.

Nasa kustodiya ng Lucena PNP Custodial Facility  at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

TELETABLOID

Follow Abante News on