WebClick Tracer

‘Pag may alak, may balak? Talent manager bet lasingin alagang aktor

Sino raw itong manager na gusto raw lasingin ang kanyang talent para may mangyari sa kanila?

Sa ‘Hulaan ‘Yarn’ ng Marisol Academy, kinuwento ng host na si Mildred Bacud na inaya umano ng naturang manager ang aktor na pumunta sa bahay nito upang pag-usapan ang isang proyekto.

Pagdating umano ng aktor sa bahay ng dating manager ay pinapasok siya sa kwarto upang doon mag-usap at laking gulat nito na may alak umano sa kwarto at inaya siyang mag-inuman sila habang nag-uusap tungkol sa project.

Natunugan naman umano ng aktor ang balak gawin ng manager kaya nagpaalam umano ito na sa ibang araw na lang nila pag-usapan ang proyekto. Di kalauna’y nagpalit umano ito ng manager.

“Kasi alam mo ‘pag game naman ‘yung alaga mo wala nang ganiyan ganiyan na diskarte,” komento naman ng host na si Roldan Castro

“Feeling ko nakikiramdam din ‘tong si manager sa alaga niya eh,” sagot naman ni host Mildred.

Katuwiran din ni Roldan, importante umano ang respeto.

“Kung gusto mong tumagal ang pagiging talent manager at hindi mawala ang respeto importante na ‘wag mong gagaliwin yung talent mo,” aniya.

Maaari umano kasing maging pasaway at magkaroon ng bad attitude ang mga talent pag pinayagang magkaroon ng higit sa propesyonal na relasyon ang manager sa mga talents nito. (Carl Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on