Sa wakas ay nabayaran na ang sahod ng mga manlalaro ng Quezon City Gerflor Defenders.
Ito’y matapos mabalita na lampas isang buwan nang delay ang kanilang sahod base sa reklamo ng isang player sa Reddit.
Ayon sa head coach ng koponan na si Sammy Acaylar, may tumulong para mabayaran ang mga sweldo ng manlalaro.
Isang fan daw ang nagbayad ng sumagot sa sweldo ng mga manlalaro, ngunit hindi na nito binanggit ang pagkakakilanlan ng fan.
“Somebody, may isang mabait na tao, isang mabait na avid fan ng volleyball na nag-shoulder ng aming salary. That’s good. That is why ang mga bata ko medyo sumaya, ginanahan during game,” ayon kay Acaylar. (RP)