WebClick Tracer

Isa pang resolusyon na humihimok sa gobyerno na makipagtulungan sa ICC probe inihain sa Kamara

Naghain ng resolusyon sina House Committee on Human Rights chairperson at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. at 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez upang himukin ang gobyerno na makipagtulungan sa ginagawa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.

Iginiit ng mga mambabatas sa House Resolution 1477 ang nakasaad sa Konstitusyon na pinapahalagahan ng estado ang dignidad ng bawat buhay ng tao at tinitiyak ang pagrespeto sa karapatan nito.

Ayon sa resolusyon, mayroong desisyon ang Korte Suprema ng Pilipinas na saklaw pa rin ito ng hurisdiksyon ng ICC hanggang sa panahon na naging epektibo ang pagkalas nito sa Rome Statute.

Noong 2021, hiniling ng Office of the Prosecutor ng ICC ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa “crime against humanity of murder, committed in the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019 in the context of the so-called war on drugs campaign.”

Hiniling ng Pilipinas na ipagpaliban ang imbestigasyon subalit hindi ito pinagbigyan. Inapela ng Pilipinas ang desisyon subalit nabasura rin ito.

“Whereas, the Philippine government’s initial request for the ICC Prosecutor to defer its investigation, and the Philippine government’s subsequent petition before the ICC Appeals Chamber clearly demonstrate that the Philippine government respects the rule of international law and recognizes the proceedings of the ICC with respect to the investigation of any alleged crime that may have occurred in the Philippines up to March 16, 2019,” sabi sa resolusyon.

Mayroon ding inihaing kaparehong resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara de Representantes. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on