WebClick Tracer

Yasmien Kurdi buntis sa 2nd baby

Magiging family of 4 na ang Soldevillas!

Sa Instagram, inanunsyo ng aktres na si Yasmien Kurdi na pregnant siya with baby number 2!

Nag-post siya ng photos niya kasama ang kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla, panganay nilang si Ayesha Zara at kanilang fur baby.

“We’ve been keeping a little secret for awhile #BabyNo2 soon this 2024! The 3rd Dragon in the family,” sabi ni Yasmien sa caption.

Ilan sa bumati sa kanila sina Coney Reyes at Bea Binene.

“That’s wonderful! Congratulations!” comment ni Coney. 

“Omgggg congratulations, Soldevillas!!!!” saad naman ni Bea.

Ikinasal sina Rey and Yasmien noong January 2012.

Isinilang ang kanilang unang anak na si Ayesha noong November 22, 2012. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on