WebClick Tracer

Vince Rillon ‘inararo’ ang 3 Vivamax actress

Inararo ni Vince Rillon ang tatlong magkakapatid sa Vivamax seriesna “Araro”.

Sa programang “Abantelliling” sinabi ni Matt Francisco, isa pang bida sa “Araro”, na tatlong kapatid niyang babae ang “ginalaw” ng karakter na si Edgar (Vince) para gantihan siya.

“It’s a revenge story. May mangyayari po na hindi maganda, iyon po ang ikagagalit ni Vince Rillon [bilang Edgar] kaya po siya maghihiganti sa akin, at sa pamilya ko,” ani Matt sa panayam ni Rey Pumaloy.

Dagdag pa ni Matt, mayaman ang pamilya niya sa “Araro” habang isang magbubukid naman si Vince.

Tampok sa four-part series ang baguhang sina Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa at Caira Lee.

Kasama rin sa serye sina Micaella Raz, Robb Guinto, Ronnie Lazaro, Vino Gonzales at Raffy Tejada directed by Topel Lee.

Nitong Nobyembre 19, Linggo natunghayan ang first episode nito sa Vivamax. (IS)

See Related Story Here:

Nagpagulong-gulong? Vivamax actor Horace Mendoza ‘extreme’ lampungan kay Sahara Bernales

TELETABLOID

Follow Abante News on