WebClick Tracer

Temperatura sa Benguet bumaba sa 11.3C

Baguio City

Patuloy na bumaba ang temperatura nitong Lunes ng umaga sa maraming bahagi ng Luzon, kung saan nakapagtala ang La Trinidad, Benguet ng 11.3 degrees Celsius.

Sa Baguio City naman ay nakapagtala ng 13.4 degrees Celsius habang 17.8 degrees Celsius naman ang naitala ng Basco, Batanes. Ang Laoag City at Tanay, Rizal ay parehas na mayroong 19.5 degrees Celsius.

Noong Oktubre inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng amihan season.

Samantala, magiging mainit pa rin pagsapit ng tanghali at hapon sa Ilocos Region, western Cordillera at Central Luzon.

Ang shear line naman ay patuloy na magdadala ng ulan sa gitnang bahagi ng bansa.

(CS)

See Related Story Here:

Tulong sa nasalanta ng bagyo inihatid ni Romualdez sa Baguio, Benguet

TELETABLOID

Follow Abante News on