Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nakausap na niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa isyung impeachment laban sa kanya.
Naniniwala aniya siyang may tiwala pa rin sa kanya ang Pangulo.
“I believe I still have the trust of President Ferdinand Marcos Jr. Why? Because before he left, I asked him about the impeachment. He told me the truth that he knows about the impeachment,” pahayag ni Duterte.
Reaksiyon ito ng Bise Presidente tungkol sa sinabi ng Pangulo habang nasa Hawaii na hindi niya hahayaang mapatalsik sa puwesto ang una.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye hinggil dito ang Pangalawang Pangulo.
“Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached. We don’t want her to — she does not deserve to be impeached. So, we will make sure that this is something that we will pay very close attention to,” wika ni Pangulong Marcos sa isang press conference. (IS)