WebClick Tracer

Sa sobrang luma? Bus sinuyod terminal sa SM Bataan

Isa ang iniulat na naputulan umano ng paa matapos suyurin ng bus ang terminal sa isang mall sa Bataan.

Ayon sa nag-post ng video sa Facebook na si Mecharock TV, nangyari ang insidente sa may terminal sa SM Bataan.

Kaya para sa kanya ay kailangan na talagang i-phase out ang mga minibus sa lugar dahil sobrang luma na.

“May nagsend lang sakin nito. sm bataan ito nangyari sa may terminal. for me, kailangan na phase out ang mga minibus dito kasi napansin ko narin talagang sobrang luma na ng mga bus nila. may nadaganan pa ng pader at naputulan din ng paa hindi ko na pwede po pakita dahil sobrang grabe ang nangyari,” saad niya sa post.

Matatandaang nagsasagawa ng mga serye ng tigil-pasada ang ilang transport group upang tutulan ang balak na pag-phaseout sa mga lumang pampasaherong jeep at pagkondena sa nakaumang na implementasyon ng modernization pro­gram para rito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on