WebClick Tracer

PBBM hindi natuloy pakikipagkita kay Elon Musk pero nakabisita sa SpaceX

Hindi natuloy ang pagkikita at pulong sana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng bilyonaryong negosyante na si Elon Musk sa Amerika.

Sinabi ng Pangulo sa pulong nito sa media bago bumalik ng Pilipinas na nagkasakit ang negosyante kaya hindi natuloy ang kanilang pagkikita.

Pero natupad naman aniya ang isa sa kanyang bucket list na makapunta at makabisita sa Space X na pagmamay-ari ng negosyante.

“One of my bucket list was to visit Space X which I was able to achieve. Unfortunately, nagkasakit nga si Elon Musk kaya hindi natuloy yung meeting namin,” anang Pangulo.

Sa ikalawang yugto ng biyahe ng Pangulo sa Estados Unidos ay inilibot ito sa mga pasilidad ng Space X sa California nitong weekend na aniya ay naaangkop sa isinusulong na digitalization ng Pilipinas at pagpapahusay sa connectivity ng bansa.

Kasama sa misyon ng Presidente sa kanyang US trip ang makapanghikayat ng mga mamumuhunan para mapaganda ang internet speed sa buong Pilipinas. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on