WebClick Tracer

LeBron James ‘minaliit’ si Dillon Brooks

Tuloy-tuloy pa rin ang mainit na tapatan ni LeBron James at Dillon Brooks.

Sa laban ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets, tila niyabangan ni James si Brooks matapos nitong maipasok ang kaniyang tira.

Matapos tirahan ni James si Brooks, ginawa nito ang ‘too small’ na selebrasyon. Tuwang-tuwa naman ang iba pang manlalaro ng Lakers matapos makita ang ginawa ni James.

Matatandaang naging mainit ang tapatan at nagkaroon pa ng yabangan ang dalawa noong nakaraang season nang magharap sa playoffs ang Lakers at Memphis Grizzlies, dating koponan ni Brooks.

Samantala, nakuha naman ng Lakers ang panalo laban sa Rockets, 105-104.

Muling binuhat ni James ang Lakers at nakapagtala ng 37 puntos at walong assists. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on