WebClick Tracer

Ben&Ben maglalabas ng tatlong single bago matapos 2023

Inanunsyo ng OPM band na Ben&Ben na nakatakda silang maglabas ng tatlong single bago matapos ang 2023.

Ayon sa nasabing OPM band, ang ‘Autumn’ ay ilalabas sa Nobyembre 24 habang ang buong band version ng kanilang kanta na ‘Courage’ ay ilalabas naman sa Disyembre 1. Noong nakaraang Oktubre, inilabas ng banda ang acoustic version ng ‘Courage’.

Samantala, isang special collaboration song naman ang ilalabas sa Disyembre 8.

“These songs represent deep parts of our souls, emotions, and memories.” sey ng Ben&Ben.

“We’ve gone through a lot to bring them to life, and each note, each detail you will hear is a product of many tears cried, many moments celebrated, and many struggles overcome. We hope they speak to you, Liwanag.” dagdag pa nito.

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)

Ang Ben&Ben ang nagpasikat ng mga awitin na ‘Kathang Isip’, ‘Araw-Araw’, ‘Sa Susunod na Habang Buhay’, ‘Pagtingin’ at ‘Leaves’.

(CS)

See Related Story Here:

Concert ng Ben&Ben set na sa Disyembre

TELETABLOID

Follow Abante News on