WebClick Tracer

Aktor tinangkang romansahin ex-GF sa taping?

Sa show na ‘Marisol Academy’ ng Abante Teletabloid, blind item sa segment na ‘Hulaan ‘Yarn’ ang isa umanong ‘not so young actor’ na tinangkang galawin umano ang ex-girlfriend nitong aktres sa isang shooting.

Komento naman ng guest host na si Salome Salvi, “Napaka unprofessional naman non kung galawin niya.”

Dagdag naman ng host na si Roldan Castro, ‘pag ex umano ay dapat ex na at hindi na umano dapat pang tikman pa.

Dagdag pa ni Salome, “Consent is very important. At saka nag tatrabaho tayo eh. Parang ang hassle naman na bigla mo kong hihiritan na oh gusto ‘ko makipagbalikan o gusto kitang patulan. ‘Wag habang nagtatrabaho tayo.”

Ayon din kay Salome, mas maigi umanong pag-usapan na lang ito pagtapos ng trabaho bilang respeto umano sa mga crew dahil inaalagaan umano sila bilang artista at hindi umano mainam na ‘nagmamaoy’ ng ganon sa set.

Nagpahayag din ng saloobin ang isa sa mga host na si Mildred Bacud at sinabing, “Respeto bilang babae. Kasi diba pakiramdaman mo rin kung gusto”.

Ani pa ni Salome, hindi umano dapat kino-congratulate ang pagpipogil ng aktor dahil ‘bare minimum’ umano ito sa mga ganoong sitwasyon. (Carl Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on