WebClick Tracer

Malakas na kalibre ng baril, mga bala, nasamsam sa raid ng CIDG sa Laguna

Nasa 43 ibat-ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril at mga bala ang nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation Group – Laguna Filoed Office sa raid sa Southville, Barangay Langkiwa, Biñan City, Laguna nitong Sabado ng tanghali.

Apat na lalaki rin ang naaresto sa operasyon.

Dakong alas 12:00 ng tanghali ng ihain ng mga operatiba ng CIDG –Laguna ang search warrant sa bahay ng kanilang hindi pa pinapanglanang target sa nasabing subdibisyon na isa umanong dating miyembro ng militar.

Hinalughog ng mga operatiba ang 2 bahay at 3 kubo ng suspek at lahat ay may nakuhang mga high powered firearms at ibat-ibang mga bala.

Ginamitn umano ng mga atoridad ng metal detector kaya agad natukoy ang pinagtataguan ng mga baril.

Ilang sasakyan din na nakaparada sa compound ang hinalughog at pawang naglalaman din ng mga baril at bala.

Bukod sa mga high powered fire arms at mga bala, nakakuha din ang mga awtoridad ng ibat-ibang military uniforms.

Sinasabi na kabilang sa apat naaresto ang isang colonel, 2 miyembro ng organisasyong The Fraternal Order of Eagles at ang kusinero ng bahay.

Sa inisyal na impormasyon, taong 2021 pa ng tinutugaygayan ng mga awtoridad ang suspek.

Hindi naman nagbigaay ng iba pang detalye ang CIDG kungbakit nagkaroon ng ganoong karaming armas at suspek at kungsaan ginagamit ang mga ito.

Inaalam pa rin kung lihitimong miyembro ng military ang isa sa naaresto dahil sa inisyal na imbestigasyon ay sinasabing mga peke ang mga nakuhang uniporme sa bahay nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on