WebClick Tracer

Barangay tanod, tinodas sa inuman

Bulagta ang isang barangay tanod matapos na ito ay barilin ng nag-iisang gunman habang nasa inuman sa Brgy. Pagaspas, Tanauan City, Batangas nitong Linggo ng gabi.

Hindi na naisugod sa ospital at binawian na kaagad ng buhay ang biktimang si Alvin Paquiz, 50 anyos, tricycle driver at tanod ng nasabing barangay, matapos na ito ay magtamo ng isang tama ng kalibre .45 baril sa ulo.

Nasugatan naman ang kainuman at katabi nito na si Alberto Muhallin, 52, matapos tamaan ng balang tumagos mula sa katawan ni Paquiz.

Ayon sa report dakong las 9:00 ng gabi, masayang nag-iinuman ang mga biktima at ilan pang kaibigan sa bahay ng isang Wilson Masajo ng solong dumating ang suspek na nakasuot ng camouflage uniform at naka helmet.

Walang sabi-sabing pinaputukan nito ang biktima at saka mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo ang ang pagkakakilanlan sa salarin.

RONILO DAGOS

TELETABLOID

Follow Abante News on