WebClick Tracer

Andrea in-unfollow si Kathryn pero naka-follow pa kay Daniel Padilla

Binura na rin ni Andrea Brillantes sa kanyang Instagram account ang kapwa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Matatandaang nauna nang napansin ng mga netizen na naka-unfollow na si Kathryn kay Andrea sa nasabing social media platform.

Sa kabilang banda naman ay naka-follow pa si Andrea sa aktor at nali-link sa kanyang si Daniel Padilla.

Si Andrea ang tinuturong dahilan ng diumano’y hiwalayan ng KathNiel.

Nagsimula ang intrigang hiwalayan diumano nina Kathryn at Daniel matapos mapansin na hindi na sila sweet sa isa’t isa.

Idagdag pa ang nasagap na tsika ng showbiz vlogger-talent manager na si Ogie Diaz na ayaw diumanong makatrabaho ni Kathryn si Andrea dahil sa pagkaka-link sa kanyang boyfriend.

May nagsabi pa umanong source kay Ogie na palihim na nagkikita sina Daniel at Andrea, na nakarating kay Kathryn.

Hanggang sa sinusulat ito’y wala pang pahayag ang tatlong nasabing artista tungkol sa isyu sa kanila. (IS)

 

TELETABLOID

Follow Abante News on