Inutusan ng NBA ang point guard na si LaMelo Ball na takpan ang kaniyang tattoo sa leeg.
Dapat takpan ni Ball ang tattoo na ‘LF’ sa ibaba ng kaniyang kaliwang tenga dahil ito ay “violates rules against exposing commercial logos on players’ bodies,” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.
Si Ball ay may inisyal na ‘LF’ na naka-tattoo sa kaniya, ibig sabihin ay LaFrance, ang kaniyang middle name, at ang kaniyang clothing brand.
Patuloy naman na nag-uusap si Ball at ang NBA tungkol sa nasabing tattoo at patuloy na aayusin ang nasabing isyu.
Upang maiwasan ang mga multa, sinimulan na ni Ball na takpan ang kaniyang tattoo sa kanilang mga laro. (CS)
See Related Story Here:
LaMelo Ball pinirmahan na ang kontrata na nagkakahalaga ng $260 milyon