WebClick Tracer

Dahil sa back injury: Bradley Beal absent ng 3 linggo

Matagal-tagal na hindi makakasama ni Kevin Durant at Devin Booker ang kanilang shooter na si Bradley Beal.

Si Beal ay inaasahan na mawawala ng tatlong linggo dahil sa back injury nito. Inanunsyo na rin ng Phoenix Suns ang pagkawala ng kanilang shooter.

“INJURY UPDATE: The Phoenix Suns today announced that guard Bradley Beal will be out and re-evaluated in three weeks as he continues to rehab a low back strain. This timeline was determined following further evaluation and consultation on his injury.”

Sa loob ng tatlong laro para sa Suns ngayong season, may average ito na 17.3 puntos, 5.3 rebounds at 3.7 assists.

At dahil wala si Beal, si Durant at Booker muna ang muling mangunguna sa opensiba ng nasabing koponan. (CS)

See Related Story Here:

Phoenix Suns dinampot si Bol Bol

TELETABLOID

Follow Abante News on