STANDING
TEAM W L
Magnolia 3 0
Meralco 2 0
Ginebra 1 0
NorthPort 2 1
Phoenix 1 1
Terrafirma 1 1
NLEX 1 1
TNT 1 1
Blackwater 1 2
San Miguel 0 1
Rain or Shine 0 2
Mga laro ngayon
(Ynares Center-Antipolo)
3 pm – NLEX vs Terrafirma
6:15 pm – Rain or Shine vs Phoenix
Minaniobra nina Christian Standhardinger at Tony Bishop ang atake ng Ginebra mula umpisa para simulan ang title defense sa 100-86 win kontra Converge sa PBA Commissioner’s Cup Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ang dalawa lang ang umiskor sa Gin Kings sa first quarter – 17 kay C-Stan, 8 kay Bishop.
Nabaon sa 0-3 ang FiberXers sa elims.
Nagpakawala ng 10 tres ang FiberXers sa first half, huli ang kay Mike Nieto para dumistansiya 50-41.
Mula sa 3:33 mark ng second quarter, pasabog ng 13 unanswered points ang Ginebra na inumpisahan ng back-to-back 3s nina Scottie Thompson at Stanley Pringle.
Nakasagot lang ang Converge sa fastbreak jam ni Tom Vodanovich pero naagaw na ng Ginebra ang lead sa half 54-52.
“Our concern was that we won’t be as sharp as Converge because they had a couple of games under their belt,” ani coach Tim Cone. “They came out, shot the ball extremely well in the first half.”
Iniskoran ni Maverick Ahamisi ang dating team ng 7 sa third quarter para tulungan ang Gins sa paglista ng 80-67 separation papasok ng fourth. Hindi na naibaba ng FiberXers ang hinahabol sa single digits.
Gumatilyo si Bishop ng 34 points, 12 rebounds, 3 assists, 3 steals at 2 blocks. Tumapos si Standhardinger ng 25 markers, 16 boards at 5 assists. May 13-5-6 si Thompson, 11 points, 10 rebounds kay Japeth Aguilar.
Naka-20 points si Justin Arana sa Converge pero nalimitahan sa 13 points lang mula 6 of 13 shooting si Vodanovich.
Ang iskor
Ginebra 100 – Bishop 34, Standhardinger 25, Thompson 13, J Aguilar 11, Pringle 8, Ahanmisi 7, Pinto 2, Cu 0, Pessumal 0, Gumaru 0.
Converge 86 – Arana 20, Vodanovich 13, Balanza 13, Zaldivar 9, Nieto 7, Melecio 7, Stockton 6, Winston 5, Racal 3, Caralipio 3, Wong 0, Fornilos 0, Tallo 0, Maagdenberg 0.
Quarters: 25-30, 54-52, 80-67, 100-86.
(Vladi Eduarte)